Happy New Year!

Happy new year sa kung sino mang makabasa nito..hehehe…

So ganito na nga, I’ll try to post na uli as often as I can

At, subukan kong gawing mas interesante tong inaamag ko nang blog.

Still thinking kung paano, pero siguro I’ll make this more personal.

at isa sa naka-line up kong gawin, baguhin ng konti ang itsura nitong page na ito… :D

 

 

Maagang pamasko 4 u…

Malungkot ka ba this Christmas? Mag-isa? Malayo sa iyong mahal? Single? Bitter? Or trip mo lang ang senti songs? Then this one’s for you :)

The song’s arrangement and accompaniment was made by yours truly last year para sa isang christmas concert ng aming parish. Me and wifey just thought of recording the song, kasi sayang, at kasi we both love singing. Thanks for listening :)

Chilax’s Choir Experiment #1: I’ll Make Love To You

*** experiment lang doing a pretend a capella choir na puro boses ko lang gamit ko :)

And here’s a short version of my take on I’ll Make Love To You ng Boyz II Men.
Hindi yan prepared, kaya pagpasensyahan na. Nakatulala lang ako nun sa computer tapos bigla ko lang naisip gawin. LOL! Pero seriously, trip trip lang to at imbento ko lang ung arrangement dahil tinatamad ako pagaralan ung kanta..hehehehe..Okay, eto na nga yun :)Image

YEY! next up, More Than Words >>  guitar (dinownload ko lang instrumental hehe) + 3 Voices na imbento ko uli arrangement :D

Random Whatevers.

Randomly played a song. Not paying 100% attention to the lyrics, but suddenly, a tear fell from my eyes. Eto ung lyrics oh:

 

Do you know how it feels?
Lying here without you baby
You could never understand
What’s happening to me

So alone nothing’s real
I just dream about you baby
And forever wonder why you
Had to break free

Even though you’re not my lover
Even though you’re not my friend oh baby
I would give my all to have you here
Just to hold you once again

It’s so hard to believe
I don’t have you right beside me
As I long to touch you
But you’re out of my reach

And my heart doesn’t feel
It’s so very cold inside me
Just a shadow of someone that
I used to be

Even though you’re not my lover baby
And even though you’re not my friend no, no, no
I would give my all to have you here
Just to hold you once again

You were the only one, only one
That I allowed inside my heart
Now I’m just holding on to something so far gone
Where did I go wrong?

Even though you’re not my lover baby
And even though you’re not my friend no, no, no, no
I would give my all to have you here
Just to hold you once again, just to hold you once again

Subliminally, I understood the lyrics.
 
 
 
 
 
 

Isang Boto

Bumoto ka. Wag mong idahilan na “isang boto lang naman e” dahil hindi lang ikaw ang nagiisang nagdadahilan ng ganyan. Marami kayo. Imultiply mo yang pinagngangawa mong “isang boto lang” sa dami ninyong pare-parehong magisip at magugulat ka sa dami ng katumbas ng ISANG BOTO mo.

Hindi lang ang Bansa mo, ang Pilipinas, ang may pananagutan sa iyo bilang mamamayan nya, pananagutan mo rin ito. Ikaw ang huhubog ng kung anong kalalabasan ng ating bansa. Kung anong mukha ng Bansang kinabibilangan mo, ay siya ring sumasalamin sa iyong pagkatao sa Paningin ng iba pang mga bansa. Alagaan mo ito, and that should start by Voting — and when I say voting, you should always include the word “wisely.”

Diskriminasyon nila manong guard

Hindi ako mapormang tao. Actually pakiramdam ko nga minsan jologs ang tingin sa akin ng iba jan. Okay lang naman. Di naman kasi ako nageeffort talaga. Di rin ako mahilig bumili ng mga damit. Nagkakasya na ako sa mga bigay. Salamat nga sa misis ko kung hindi dahil sa kanya baka up until now since birth, 10x pa lang ako makabili ng damit kasi before I got married naka-3 pa lang ako…hehehe.. At saka isa pa kuripot kasi talaga ako pagdating sa mga damit-damit na yan, as in hanggang ngayon feeling ko anything na above 100php sa damit, 300php sa sapatos at 200php sa pantalon ay mahal. Bagay na kinaiinis sa aking ng aking butihing maybahay. Iniisip ko lang kasi na innate na kasi ang aking kagwapuhan kaya kung poporma pa ako ng maayos e redundant na. LOLS!

Isa rin sa mga ugali ko ang magdress down pag marami bagong sahod or marami akong dalang pera, at pumorma naman ng medyo maayos kapag wala. Siguro ginagawa ko un para di ko masyadong maramdaman na mas mahirap pa ako sa daga at that moment…hehe..ewan!

*****

Heniways, eto na nga, actually reklamo tong post ko na to sa ating mga magigiting na guards. Dito sa building ng opisina kasi namin, sinubukan ko sila. For the past quarter, may mga weeks na medyo pumuporma talaga ako and weeks na hindi. Napansin ko lang, never pumalya, sa mga days na nakaporma ako, they won’t ask for my ID. Isa pa sa napansin ko, kapag hawak ko ang cellphone ko at kunyaring nagtatype, di rin sila humihingi ng ID. Isang beses pa nga, marami akong kasabay, and I know mas malaki sahod ko sa kanila (joke) pero ako lang ang hinarang at hiningian ng ID, na kung tutuusin ang pinagkaiba lang e nakapolo sila, at ako naka-Tshirt.

Manong_Guard_2_by_redg404

Isang pangyayari pa ay noong nagttrabaho pa ang misis ko na madaling araw ang pasok nya, around 4am or 5am ata. Minsan hinahatid ko siya, nakashorts lang ako and shirt. Well, hindi lang naman ako ang pumasok dun na nakaganun lang, may mga porener din, pero guess what, nung andun na ako sa floor ng office nila and my wife went inside to get me something, inakyat ako ng MGA guards. Why? Nung nagtetext ako at napatalikod ako sa CCTV nila akala nila nagtatanim ako ng bomba.

****

Maraming beses nang may nababalitaan tayong mga krimen na nagaganap sa loob ng buildings, malls, kahit pa may mga guards dito. May mga patayan, kidnappan, holdups, bomb scares at marami pang iba. Madalas, ang dahilan e nakakapuslit sila makapagpasok ng mga bagay na hindi nila dapat naipasok sa buildings like guns, knives, bombs, etc. Pero bakit nakakalusot ang mga ganito? 2 bagay, tamad magtrabaho ng guards at diskriminasyon. Sa mata ng karamihan sa mga guwardiya: pag nakapolo/dress ang tao, mabait, pag nakasimpleng pananamit, kahinahinala; Pag foreigner, hindi gagawa ng masama; Kapag muka kang kargador, potential criminal ka.

***

Hindi ako nagrereklamo kung maging istrikto sa security. Kapkapan lang nila ako ng kapkapan (kahit madalas nakakapa nila ang mukhang baril na nakatago sa aking pantalon), icheck ng icheck ang aking bag, ipabukas ang regalong pinaghirapan kong ibalot, busisiin maiigi kung ako ba ang nasa picture sa dala kong ID, basta dapat maging fair at pantay-pantay ang tingin sa lahat.

*picture nakuha ko dito: http://fc04.deviantart.net/fs71/i/2010/197/2/8/Manong_Guard_2_by_redg404.jpg